^

Police Metro

Bangag tumalon mula ika-20 floor

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isang 21-anyos na la­laki na umano ay b­angag sa tinirang marijuana ang nasawi matapos na tumalon mula sa ika-20 palapag at bumagsak sa canopy ng ika-8 palapag ng condominium sa Malate, Maynila kahapon ng madaling araw.

Namatay noon din ang biktimang si Nathan Wolfe Soto, residente ng Unit 2034 The Manila residences Tower II, Taft Avenue, Malate, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Police District Homicide Section na bago nangyari ang insidente dakong alas-2:05 ng madaling  araw sa nasabing condominium ay kasama ng biktima ang kanyang mga roommates na sina Ching Ying Law at Seika Santos, kapwa babae at dalawang lalaki na sina Jericho James Evangelista at isang alyas “Marko”, pawang nasa 20 hanggang 21 ang edad, para umano matulog na.

Nagulat umano ang mga ito nang makitang wala sa sarili ang biktima at nagtatakbo patungo sa pintuan ng kanilang unit na nasa ika-20 palapag.

Nang magsitayo sila sa higaan upang patigilin ang biktima ay nagtatakbo naman ito sa hallway at umakyat sa bintana at big­lang tumalon.

Nadatnan ng mga otoridad ang biktima na nakadapa at duguan sa canopy ng  ika-8 palapag.

Nang magsagawa ng ocular inspection sa unit ng biktima ay narekober ang mga hinihinalang pinatuyong marijuana at drug paraphernalias.

Hinala ng pulisya na gumamit ng nasabing iligal na droga ang biktima at nakatakdang imbestigahan din ang mga roommates.  

vuukle comment

NATHAN WOLFE SOTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with