^

Pang Movies

Mister ni Solenn, beki na rin kung magsalita

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang natuwang netizens nang mag-viral ang video ng mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico habang tinuturuan itong magsalita ng Tagalog.

Isang Argentinian si Nico at Spanish at English lang ang mga lengguwahe na alam nito. Dahil dito siya sa Pilipinas nakatira kasama ang misis na si Solenn, ginusto na rin niyang mag-aral magsalita at maintindihan ang Tagalog para kahit wala ang misis niya sa tabi ay hindi na niya kailangan ng interpreter.

Umabot na sa 94,000 views ang video ni Nico habang tinu-tutor siya ng isang language teacher sa pagsalita ng Tagalog.

Marami ang natutuwa kay Nico dahil pati ang mga salitang beki tulad ng “echos lang” ay alam niyang bigkasin.

Proud naman ang misis niyang si Solenn dahil alam niyang hirap na makipag-communicate si Nico dito sa ating bansa noong unang dating niya. Kailangan pa raw niyang i-explain ang bawa’t Tagalog words.

Ngayon daw ay unti-unti na itong natututo at marami na raw itong alam na Tagalog words.

Sa kanilang bahay nga raw, Tagalog na kung kausapin ni Solenn si Nico at sumasagot naman daw ito in Tagalog na rin.

Kakai nagbilad ng katawan

Walang takot na nag-post ang komedyanteng si Kakai Bautista ng kanyang pang-summer na panggulat sa mga basher sa social media.

Hindi nga nagpakabog ang tinaguriang Dental Diva sa paglantad ng kanyang katawan suot ang two-piece bikini nang minsang magbakasyon ito sa isang kilalang beach resort.

Ginawa ito ni Kakai dahil may gusto siyang patunayan sa mga body shamers na walang masama sa pagsusuot at mag-pose na naka-bikini, anuman ang hitsura ng katawan mo.

Basta confident ka at wala kang pakialam sa sasabihin ng maraming tao, lalo na sa social media, para ka na ring nanalo ng award na best in swimwear.

Heto ang ipinost ni Kakai sa kanyang Instagram account:

“CAUTION: HOT.  CHEREET!!!! I love my curves. It means happiness to me. A proof that I have enjoyed all the food I wanted to eat, My tummy and heart are happy. I pity those body shame people in Social Media, In public. Those who bash other people because of their looks.

“Oh well I am hallFamer. I make them happy but I PITY them. When they don’t see beauty in others, they don’t see Beauty in Them. They are not my people. I have no room for those kind. I love myself the way that MY people are Loving it.

“We live by gratefulness.We Spark the drama but do not light them. We are not perfect but we aim for perfection. We triumph in defeat and win humility. We Fall and Stand up. WE try to LIVE by LIVING and To LOVE by LOVING and GIVING.

“We all stay and stand for Love. begin with yourself by appreciating you, because there is NO “WE” without “YOU” -------KAKAIBAUTISTA tambay ng Pacita. #KakaiCaptions

Jaclyn puring-puri si Elyson

Natuwa ang Starstruck 6 First Prince na si Elyson de Dios sa mga magagandang sinabi sa kanya ng award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Magkasama ang dalawa sa bagong drama-comedy series ng GMA-7 na D’ Originals.

Ayon kay Jaclyn na bukod sa guwapo si Elyson, may future sa showbiz ito at alam niyang sisikat ito balang-araw.

“Gusto ko lang sabihin, kasi itong si Elyson siya lang ang bago, pero ang guwapo-guwapo niya.

“I think he’s gonna get there. I feel na someday he’ll be there.

“I don’t know but I have this gut feel. Good luck!” pahayag pa ng aktres sa 17-year-old Cebuano teen.

Sobrang na-flatter si Elyson sa mga sinabing iyon ni Jaclyn.

“Nagulat ako at natuwa at the same time kasi sobrang hindi ko in-expect.

“What she said about me really lifted my spirit at sobrang nakaka-overwhelm kasi sa kanya galing.

“Words cannot express how grateful and honored I am to be praised by the Jaclyn Jose,” ngiti pa niya.

Pagkatapos na mahirang na First Prince sa StarStruck 6 noong 2015, unang napanood sa teleserye na Poor Señorita si Elyson.

Ang kanyang ka-loveteam ay ang First Princess ng StarStruck 6 na si Ayra Mariano.

Napanood din siya sa mga ibang shows ng GMA-7 tulad ng Sarap Diva, Maynila, Love Hotline, Magpakailanman, Taste Buddies, at Pepito Ma­naloto.

Labis ang pasasalamat si Elyson na nakasama siya sa D’Originals dahil nakatrabaho niya ang mga mahuhusay na veteran stars tulad nila Jaclyn Jose at Jestoni Alarcon.

“Sa totoo lang, hindi naman ako kinakabahan kasi mabait silang lahat gaya na lang ni Tita Jaclyn Jose.

“Thankful po ako sa GMA na sinama nila ako sa show na ito.”

vuukle comment

NICO BOLZICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with