^

Pang Movies

Benjamin ‘di pa patay sa serye

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Oh, eh ‘di totoo nga ang suspetsa namin tungkol sa GMA-7 noontime series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa na hindi namatay si Ephraim (Benjamin Alves) nang habulin siya ni Angeli (LJ Reyes) sa isang eksenang hawak ni Ephraim ang isang cellphone na magiging ebidensya against Angeli at Mariz (Ara Mina).

Hindi kasi pinayagan ng mga kapulisan na masilip ang bangkay ng nasunog sa kotse, may ganun! Sa nakaraang episode na ‘yun pala ay isang taong grasa si Ephraim. 

Gwapong aktor ayaw tantanaN ang panunulot sa kabaro

Dahil gustong umangat ang showbiz career, medyo panahon ng mga pangako ngayon, magko-concentrate sa trabaho ngayon sa TV ang poging character actor at iiwasan na daw niyang manulot ng kanyang kabaro, may ganun?!

Ngayong Semana Santa…

Ngayon po na pasok na ang Semana Santa o Mahal na Araw, inaasahan na magdadasal tayo at magtitika ng mga kasalanan.

Bawasan ang karamutan, katarayan, kalandian, at kung ‘di naman makakaabala sa inyo, ay magsimba po tayo.

Mas maganda kasi kung sa simbahan tayo nakikipagtsikahan kay Lord Jesus Christ. Magpasalamat tayo sa kanya dahil ibinigay niya ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng lahat! Praise to you oh Lord, Jesus Christ! Amen.

Sabi ng isang kapitbahay namin na isang non-Catholic at leader ng isang Christian Sect., ang mga Katoliko na nagbubuhat ng santo o ‘yung bang mga rebulto na dinadala sa mga bahay-bahay at dina­dasalan, ay makakalbo raw!

At kapag nagdasal ka sa rebulto ay hindi raw makakaakyat sa langit. Naku, nakakatakot naman, pero sinabi ba ito ng Diyos at nakasulat ba yan sa Bibliya?

Grabe naman, sabi pa ni sis, sila raw ang mapupunta sa langit (silent na lang ako). Kasi kapag tungkol sa Bibliya o tungkol sa Panginoong Diyos ang topic ng usapan, nakikinig lang kami, kasi po never ending ang usapang tao at Bibliya.

Pero ‘di niyo kami masisisi na ‘di magalit, parang gusto kong sindihan ng hawak kong posporo ang bibig ni sister! Sorry po tao lang po!

Personal…

Palm Sunday po kahapon, simula na ng journey ng ating Panginoong Hesukristo tungkol sa kalbar­yo na susuungin niya dahil sa pagtubos sa mga kasalanan ng tao!

Batiin ko sina Ethel Ramos, Ricky F. Lo, my magayonon na editor na si Ms. Salve Asis at mga staff ng PM (Pang-Masa)/Pilipino Star NGAYON na sina Rodel, Lani, Debbie, Judy, Cristy Fermin, Boy Abunda, at kina Nanay Lusing, Julie Bonifacio.

Get well soon naman kay Ate Tess, ang masikap at link namin kay Willy Revillame, na siyang nagwi-welcome sa mga movie press people. Nasa St. Luke’s ngayon si Ate Tess, it’s healing time ngayong holy week kaya fast recovery kay Ate Tess Mateo at sa lahat ng may sakit. We prayed!

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with