^

PSN Showbiz

Patakaran ng MMFF babaguhin na naman! Aiza may tradisyong sinusunod

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayong Semana Santa, gustong balikan ni Raymond Bagatsing ang lalawigang kinalakihan niya sa may San Gregorio, Nueva Ecija.

Uuwi kasi dito ang Mommy ni Raymond mula Melbourne, Australia at sasamahan daw siya ng aktor sa pag-iikot dito.

Naalala ni Raymond ang mga nagpi-penitensya sa lalawigan nila na nung bata pa raw siya ang hilig daw niyang magkukuha sa mga nagpipinetensya.

Matindi raw ang penitensya na kung saan hinihiwa raw ng blade ang likod ng mga nagpipinetensya na nagsisisi ng mga nagawa nilang kasalanan.

Minsan daw ay natalsikan pa siya ng dugo habang nagkukuha ito. Pero bilib si Raymond sa mga ito dahil nakakaya raw nilang magtiis ng sakit at sakripisyo para lamang magsisi at makahingi ng tawad sa Diyos.

Saad ni Raymond; “I actually thought about it. Kasi parang feeling ko, ang laki ng respeto mo sa kanila na para lang sila makabawi sa kung ano mang nagawa nilang kasalanan kay Lord, na kaya nilang saktan, isakripisyo ‘yung pain para lang sa pagmamahal nila sa Diyos.”

PAK: Tradisyon na rin para kay Aiza Seguerra ang pagpunta sa Villa Escudero tuwing Semana Santa.

Mula pala nung seven years old siya, nasa pamilya Escudero siya dahil siya raw ang anghel sa Salubong kapag Easter Sunday.

Natatawang kuwento ni Aiza; “Dati, ginagawa ko ‘yun. Nahulugan ko ng tsinelas yung Birhen kaya pinatigil na ako.

“Nung sinabit kasi ako nun nahulog ko ‘yung tsinelas, saan ‘yung tsinelas? Ayun nahulog sa birhen.”

Habang lumalaki raw siya, siyempre pabigat na raw siya kaya hindi raw siya kakayanin ng kawayan. Kaya nang sumunod na mga taon, kumakanta na raw siya.

Pero ngayon ay hindi na niya kailangang kumanta, basta makadalo lang siya kasama pa rin ang Mommy Caring niya dahil naging bahagi na sila ng pamilya Escudero.

BOOM: Mainit na pinag-usapan pala ngayon sa mga Executive Committee ng Metro Manila Film Festival ang mga posibleng babaguhin sa mga patakaran ngayong taong MMFF.

Ang latest na narinig namin, baka mabalik na naman daw sa submission ng script sa halip na fi­nished product.

Ang FDCP Chairman Liza Diño ang isa sa ku­mo­kontra rito dahil napatunayan naman daw nung nakaraang taon na pawang quality films ang naipalabas pero kailangan din nilang magkaroon ng commercial na aspeto para mas maganda ang performance sa box-office.

Pahayag ni Chairman Liza; “Merong ganung inihain. Kasi ganun ‘yun eh, between script ang fi­nished product.

“Ang point ng script, may mga nag-invest ng millions to make a movie, pero hanggang ngayon hindi pa sila nakakakuha ng playdate. ‘Yun ‘yung concerns bakit gusto nilang ibalik ‘yung script. But of course, siyempre nakita natin yung success na nangyari nung ginamit na batayan yung finished films, kasi nakita mo talaga ang totalidad, yung kabuuan ng isang project.

“Medyo masalimuot ang mga pag-uusap bet­ween script and finished films but I’m hoping na at the end of the day ay sana mapagdesisyunan ay ‘yung iniisip ang kapakanan ng Phil. Cinema ng audience.

“Nagdadasal ako parati because I’m just one voice among 24 people.”

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with