^

Punto Mo

‘Human water fountain’ 1 minutong tuluy-tuloy na nagbuga ng tubig

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGAWA ng 20 anyos na si Kirubel Yilma na maidagdag ang kanyang pangalan sa talaan ng mga world records nang maipamalas niya ang kakaiba niyang talento sa harap ng isang audience sa Addis Ababa, Ethiopia.

Tinagurian siyang “human fountain” matapos magbuga ng tubig sa loob ng 56.36 segundo.

Mas nakakamangha pa ang kanyang pagpapakitang-gilas dahil kinailangan niyang gawin ito nang tuloy-tuloy alinsunod sa patakaran ng Guinness World Records.

Nakamit ito ni Yilma dahil sa kakaiba niyang kakayahan na maibalik ang nilalaman ng kanyang tiyan pabalik sa kanyang bibig.

Sa pamamagitan nito ay nagawa niyang patagalin ang pagbuga niya ng tubig dahil sa dami ng kanyang ininom bago niya sinimulan ang kanyang world record attempt.

Nakatulong din daw ang pagiging medical student niya dahil nagbigay ito sa kanya ng kaalaman ukol sa pagkontrol sa kanyang mga kalamnan.

Naisipan daw niyang sumubok na magtala ng world record nang mapanood niya ang video ng taga-Ghana na si Dickson Oppong na siya dating nakagawa ng pinakamatagal na tuloy-tuloy na pagbuga ng tubig.

Ilang taon ding nagsanay si Yilma bago ang kanyang world record attempt na nagbunga naman nang malampasan niya ang 46.86 segundo na record ni Oppong.

vuukle comment

TUBIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with