^

Para Malibang

Pangalawang Anino (53)

Gilda Olvidado - Pang-masa

NATIGILAN si Yawan sa gustong gawin ni Yawanaya, ang kanyang pangalawang anino.

“O, ano ... papatayin ko na ba? Isang sakal ko lang doon, luluwa na mga mata at lalabas na dila hanggang sa sahig.”

Namilog ang mga mata ni Yawana, napangisi, tuwang-tuwa habang ini-imagine ang itsura ni Nanette sa sinabi ng kanyang pangalawang anino.

“Teka lang, sarap mag-imagine na ganoon ang itsura ng karibal kong ‘yon!”

“Huwag ka nang makuntento sa imagination. Iyung totoo na talaga!”

Nawala ang ngisi ni Yawan. “Si Arturo ... baka ikalungkot niya nang husto ang kamatayan ni Nanette.”

“Eh, ano? Hindi naman palaging malulungkot, makakalimutan din niya tapos wala ka nang karibal! Ikaw na lang ang mamahalin niya! Hindi ba iyon naman ang gusto mo?”

“Alam mo, palibhasa may pagkabobo ka at ako ang napakatalino sa ating dalawa, ang simple mong mag-isip! Ako, nakikita ko ang mga posibleng mangyari. Puwedeng kapag namatay sa ganyang paraan si Nanette ay maaapektuhan nang husto si Arturo. Magi-guilty. Iisipin niya na hindi niya nabantayan si Nanette kaya ito namatay sa ganoong paraan. At alam mo ba na ‘yang guilt ay pampalapot pa lalo iyan sa pag-ibig ng isang tao. Lalong hindi makakalimutan ni Arturo si Nanette, lalo pa niyang mamahalin! Tanga!”

Natahimik ang pangalawang anino.

“Ang sakit mo namang magsalita samantalang lahat mo namang inutos ay ginagawa ko.”

“Natural. Dahil anino lang kita kaya susunod ka lang!”

Hindi na sumagot ang pangalawang anino. Pero nagngingitngit.

Ang napagbalingan ay ang unang anino ni Yawan.

“O, ikaw ... lagi ka na lang tahimik diyan. Wala kang sariling pagkatao. Kung ano ang ikikilos ni Yawan, ganoon din gagawin mo. Sunud-sunuran ka lang! Puwede bang kumampi ka naman sa akin? Magsalita ka naman kahit konti?”

Walang sagot, wala ring kakaibang kilos ang unang anino. Normal na anino lang talaga ito.

“Wala kang kuwenta! Mabuti na lang hindi ako tulad mo!”

“Tumigil ka na, Yawanaya! Kahit ano pang sulsol mo diyan sa unang anino ko, wala kang mapapala. Makinig ka na lang sa akin, okay? Huwag mo munang patayin si Nanette kahit magkaroon ka ng pagkakataon. Ang pilitin mong gawin uli ay makalapit ka sa kanya at baliwin siya sa pamamagitan ng takot!”   ITUTULOY

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with