^

Probinsiya

16-anyos todas, 2 sugatan sa bangga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAGKAWAYAN, QUEZON, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang menor de edad na lalaki habang malubhang nasugatan ang dalawang iba pa makaraang magbanggaan ang magkasalubong na dalawang motorsiklo sa Quirino highway barangay San Diego, kamakalawa ng umaga. Nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa ulo at katawan ang nasawing biktima na si Arvin Gonzales, 16, ng nabanggit na barangay at patuloy namang nilalapatan ng lunas sa ospital sina Rommel Hernandez, 21 ng barangay Aldavoc at Jhon Mark Oliva, 16 ng barangay Munting Parang. Ayon sa ulat ng pulisya, sakay si Gonzales ng yamaha mio at binabagtas ang highway dakong alas-11:45 ng tanghali at nag-overtake ito sa isang Bicol bound A & B bus liner subalit nawalan ng kontrol at nadulas. Tiyempo namang dumarating ang kasalubong nitong isa pang motorsiklo na sinasakyan nina Aldavoc at Oliva kung kaya naganap ang head on collision.

vuukle comment

ARVIN GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with