^

PSN Palaro

Rosario tinapik na acting PSI chief

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng ba­gong mukha ang swimming matapos kilalanin ng Philippine Olympic Committee (POC) si Ral Rosario bilang acting president ng Philippine Swimming Inc. (PSI).

Inatasan ng POC si Rosario na busisiin ang  by-laws ng PSI upang masiguro na nakalinya ito sa patakaran ng International Olympic Committee (IOC).

Makakasama ng dating Asian Games gold meda­list na si Rosario sa pagpapa­takbo ng asosasyon si sec­retary-general Lani Velasco.

Inaasahang magkaka­roon ng panibagong eleksiyon ang PSI para pangalanan ang mga bagong ma­ngunguna sa asosasyon na siyang magpapatupad ng programa sa swimming sa bansa kabilang na ang grassroots development program.

Magugunitang nagsa­gawa ng eleksiyon ang PSI noong nakaraang buwan sa Bacolod kung saan nanalo bilang pangulo si Rosario.

Subalit hindi ito kinilala ng POC dahil hindi umano ito dumaan sa tamang pro­sesyo base sa patakaran ng National Olympic Committee aa pagdaraos ng eleksiyon ng isang national sports association.

Gayunpaman, binigyan ng tsansa ng POC si Rosario matapos itong makipagpulong sa ilang opisyales ng POC sa pangunguna ni Frank Elizalde.

Sa oras na maayos ang lahat, ipre-presinta ni Rosario ang mga dokumento sa POC para aprubahan kasabay ng pagkuha ng basbas ng FINA na siyang swimming international federation.

Umaasa si Elizalde ka­sama sina POC sec-general Steve Hontiveros at Atty. Charlie Ho na maayos na ang lahat sa susunod na buwan.

Handa rin ang POC na tanggapin ang Philippine Swimming League na pinamumunuan ng be­teranong swimmer na si Susan Papa kung papayag itong mapasama sa PSI.

“They just have to apply before the PSI because it’s the group that’s re­cognized by the POC and the international federation (FINA). All stakeholders are welcome to join,” ani Hontiveros.

Sa ngayon, nais ng PSI na paghandaan ang pagsabak ng bansa sa 2017 Southeast Asian Games na gaganapin sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

vuukle comment

ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with